Saturday, April 7, 2018

TWO HEARTS 3.0 ®JMM


TWO HEARTS
(JMM)

Continuation...


        Pagkatapos ng araw na iyon sa pamamagitan ng teknolohiya naging konektado kami. Hindi lilipas ang isang araw na hindi kami nakakpag usap. Unti unti lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi matatawaran ang saya na aking nadarama tuwing nakakausap ko siya. para bang wala ng ibang tao ako nakikita kundi siya.
      Isang buwan ang lumipas at sinagot ko ang taong nagpapasaya sa akin. Sa simula ng aming relasyon andun ang lambingan, love, excitement at lahat ng hapiness. yun bang parang wala ng katapusan ang mundo ko sa tuwing magkasama kami. Isang araw ang lumipas ng mag-aya siyang manuod ng sine. Dahil paborito ko si Sarah Geronimo ang kanyang movie ang napagkasunduan naming panuorin. Noong panahong iyon ang panahon na sikat ang tambalang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Masasabi kong nagsimula ang tambalang ito kasabay ng pagsisimula ng relasyon naming dalawa. Ang kanilang unang pelikula "A Very Special Love"  ang naging salamin ng aming relasyon. Kung saan tulad ni Laida Magtalas na humanga sa isang lalaki at hindi kalaunan ay natugunan ang paghangang iyon. Tulad nila naging maganda ang pagsasama naming dalawa. Ngunit sa isang relasyon hindi nawawala ang away at normal lamang iyon. Basta't napaguusapan ay maaayos din ito. Ganito ang naging takbo ng aming relasyon. Hanggang sa dumating ang kanilang pangalawang pelikula, "You Change My Life"......



To be continued.....




No comments:

Post a Comment

TWO HEARTS 8.0 ®JMM

TWO HEARTS (JMM)     Continuation...........    Love is sweeter the second time around..    Two years..    Two...