TWO HEARTS
(JMM)
Continuation......
Walang araw na hindi tumutulo ang aking mga luha. Kasabay ng isang libong tanong sa aking puso. Hindi pa ba sapat ang ako sa buhay niya para gawin nya sa akin ang lahat ng ito. Kailangan ko pa bang kumapit kung siya ay bumitaw na. "Ikaw ang mahal ko" tugon niya, ng minsang nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap. "Anung nangyari? Bakit ako ang tinatago mo, ako ang una di ba.? Anung mali? Anung kulang? Anung nagawa ko?", ang paulit ulit kong tanung sa kanya habang walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Walang kasing sakit ang aking naramdam.
Pinipilit kong bumangon, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Isang umaga nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya. Nais niyang magkita kami, at mag-usap. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng araw na iyon. Hindi ko alam kung tutugunan ko ang kanyang hiling. Ngunit nanaig pa din ang aking puso, gusto kong makita siyang muli.
Dumating ang oras ng aming pagkikita. Tahimik, walang gustong maunang magsalita. Ngunit hindi na rin siguro siya nakatiis. Binasag niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Akala ko maaayos ang lahat. Isang paalam pala ang nais niyang ipabatid sa akin. Ngayon alam ko ng ako ang iiwan at siya ang pinipili. Sa tagpong iyon pinilit kong huwag tumulo ang aking mga luha.
Bago siya tuluyang umalis isang kataga ang kanyang binitiwan sa akin, "Paglipas ng limang taon,ikakasal ako. Huwag kang mag-alala, pagdating ng panahong iyon ikaw ang unang makakaalam." At naiwan akong nag-iisa.......
To be continued.......