Friday, April 6, 2018

TWO HEARTS 2.0 ®JMM



TWO HEARTS 2.0
(JMM)


Continuation...
Last 10 years ago……..          

Taong 2008..

Isang masayang umaga ang bumungad sa akin. Hindi ko alam pero maganda ang pakiramdam ko ng araw na iyon. Maaga akong nagising at naghanda para sa pagapsok ko sa trabaho. At habang nasa biyahe ako hindi ko namamalayan na lahat ng makasalubong ko ay nginingitian ko. Ang saya saya ko. Dumating ako sa workplace ko. Maganda pa din ang ambiance lalo na ng lugar. Lunchbreak naming, lumabas ako ng ng stall para bumili ng pagkain ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakasalubong ko ang taong matagal ko ng hinahangaan. Ngumiti siya sa akin at sa hindi ko malamang dahilan pakiramdam ko ay pulang pula ng aking mukha. At yung dibdib ko parang tinatambol ng malakas. Nangamusta siya. Nagkamustahan kaming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Hanggang sa makalabas ako ng stall hindi mawaglit sa akin ang tagpong iyon. Natapos ang araw na iyon pero nakatatak pa din sa akin iyon.
Lumipas ang mga araw, patuloy ang aking routine. Gigising papasok sa trabaho.
Hanggang sa natapos ang kontrata ko sa aking trabaho. Nasa bahay lang ako naghihintay na muling matawag. Hapon ng araw na iyon. Malakas ang ulan, hindi ko inaasahang muli ko siyang makikita. Sa tapat ng bahay namin sa ilalim ng malakas na ulan. Tinanung ko siya kung bakit andun siya. “Sinasamahan ko ang pinsan ko,”sagot niya. Ang pinsan niya ay kasalukuyang kasintahan ng aking kapatid. Nung araw ding iyon hiningi niya ang number ng cellphone ko. At dito nag umpisa ang lahat.

See you on my next blog…


No comments:

Post a Comment

TWO HEARTS 8.0 ®JMM

TWO HEARTS (JMM)     Continuation...........    Love is sweeter the second time around..    Two years..    Two...