TWO HEARTS
(JMM)
Continuation....
Pagkatapos ng tagpong iyon. Pinilit kong maging matatag. Lumayo ako para makalimot. Sa aking paglayo madami akong nakilala, mga kaibigang gumising at nagpasiglang muli sa galit kong puso. Patuloy ang buhay. Unti unti pakiramdam ko ay nakaahon na ako sa pighati.
Isang araw sa isang money transfer ay may nakilala akong nakapukaw ng aking atensyon. isa siyang teller duon. Dahil siya ang nagproseso ng aking acct para makapgpadala ako sa aking pamilya. Duon ay ginamit niya ang pagkatataon na makuha ang numero ko sa record ko na nakatala na duon. Nag umpisa siyang magtext. Hanggang sa nakasanayan ko na nakakausap ko siya. hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya o dahil may nakikita akong tao sa kanya. Oo tama, nakikita ko sa kanya ang taong wumasak sa puso ko. Kaya napatanong ako kay God, ano pong ibig sabihin nito? Kaya ko pa bang magmahal muli? Kaya ko pa bang magtiwala?
Itinigil ko ang pakikipag usap sa kanya bago ako tuluyang mahulog muli at masaktan.
Tatlong taon ng paglayo muli akong nagbalik sa amin.........
To be continued............

No comments:
Post a Comment