TWO HEARTS
(JMM)
Continuation.....
Tatlong taon ng paglimot......
At ngayon nagpakita na namang muli ang atong dahilan ng lahat. Humihingi ng pangalawang pagkakataon." Pero I said that I don't care anymore", mga katagang binitiwan ko sa kaniya. Akala ko totoo kasi yun ang nararamdaman ko. Pero nakalimutan kong galit pala ako noon kaya ko yun nasabi. But it is actually the opposite of what I feel. I still care. And I don't have plan of changing that feeling of mine.
Ano ba talaga ang dapat kong gawin. Handa ba akong mahalin siyang muli.? Handa ba akong ibigay muli sa kanya ang tiwala nasira na.? Kaya ko pa bang masaktang muli sa ikalawang pagkakataon?
Ngunit ang lahat ng tanong na ito ay nasagot ng tadhana. Tadhana? OO. Tadahana. Sapagkat sa patuloy niyang pagsuyo sa akin. Hindi siya sumuko na makuha ang kapatawaran ko. Hanggang sa tuluyan na namang nahulog ako sa kanya. Hindi ko alam pero hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa naging kami muli.
Oo, muli akong nagtiwala. Muling nagmahal sa taong ito.
Kasabay ng paguumpisa muli ng aming relasyon, muling nagbalik ang pelikula ng paborito kong tambalan ang "It Takes A Man and A Woman". Sa storyang ito tatlong taon din ang lumipas bago muling nagtapo at naging isa muli sa Laida at Miggy. Kaya naman masasabi kong ang tatlong pelikula nila ang naging salamin ng aming relasyon....
To be continued.......


No comments:
Post a Comment